29.5 C
Manila
Wednesday, January 26, 2022

Ilang kaalyado ni dating House Speaker Alvarez lilipat sa minorya

- Advertisement -

Ilang kaalyado ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang lilipat na sa minorya.

Ito ang napagkasunduan ng mga mambabatas sa pulong kahapon isang araw matapos mahalal bilang bagong leader ng Kamara si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Arroyo.

Kinumpirma ni Minority Floor Leader Danilo Suarez na nakipag-pulong ang kaalyado ni Alvarez na si Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas kay Arroyo upang talakayin ang mapayapang transisyon.

Nagpahayag aniya si Fariñas nang intensyon na maging bahagi rin sila ng minorya.

Tinatayang dalawampung (20) kongresista ang inaasahang bibitbitin ni Alvarez sa minorya at si Fariñas ang planong ihalal bilang minority leader subalit handang lumaban ni Suarez para sa posisyon.

—-

 

 

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -