Ilang flights sa NAIA kanselado dahil sa masamang panahon

0
56

Kanselado ang ilang flights ngayong araw na ito dahil sa masamang panahon.

Sa NAIA Terminal 3, tatlong (3) flights ang kanselado.

Kabilang dito ang biyahe ng Cebu Pacific mula Maynila pa-Legazpi at mula Legazpi pa-Maynila.

Pinayuhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng kanilang flight o refund ng pamasahe.