Ilang flights kanselado ngayong araw dahil sa sama ng panahon

0
61

Kanselado ang ilang mga flights ngayong araw, Hulyo 21 dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng MIAA o Manila International Airport Authority, kabilang sa mga kanseladong biyahe ng eroplano ng Cebu Pacific Flight 5-J 504 at 505 na biyaheng Manila – Tuguegarao at pabalik.

Pinapayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa nabanggit na airline company para sa proseso ng rebooking o refund.

Samantala, na-divert naman sa Clark International Airport ang Cebu Pacific Flight 5-J 562 galing Cebu patungong Manila.