Ikatlong OFW sa Hong Kong na nagpositibo sa COVID-19 naitala

    0
    28

    Umabot na sa tatlo ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs)  sa Hong Kong ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

    Ito’y matapos kumpirmahin ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay sa kanyang Twitter account ngayong Miyerkules na may panibagong OFW sa Hong Kong ang nagpositibo sa COVID-19.

    Ayon kay Dulay, kasaluyang naka quarantine ang nasabing Pinoy at sumasailalim sa treatment.

    Matatandaang nagpositibo rin sa nasabing virus ang dalawa pang OFW sa Hong Kong matapos ma-expose sa iba pang COVID-19 positive na Chinese.

    Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 80 Pinoy abroad ang nagpostibo sa COVID-19 at karamihan dito ay mula Diamond Princess cruise ship sa Japan.