Saturday, May 4, 2024

Iba’t-ibang transports groups magkakasa ng tigil pasada

- Advertisement -

Magkakasa ng pambansang tigil pasada ang iba’t-ibang transport groups sa Setyembre 30.

Ayon kay Efren De Luna, maliban sa kanilang grupo na ACTO, lalahok rin sa tigil pasada ang PISTON, Stop and Go at Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO).

Sinabi ni De Luna na layon lamang nilang igiit ang kanilang pagtutol sa uri ng modernisasyon na itinutulak ng pamahalaan.

Unang una na anya ang panggigiit ng pamahalaan na palitan na ang mga lumang jeepney sa July 2020 ng mga makabagong modelo na nagkakahalaga ng P2.5-M.

Iginiit ni De Luna na hindi sila tutol sa modernisasyon subalit hindi sa paraang ninanais ng pamahalaan kung saan nais nilang bumuo ng kooperatiba ang mga operators at isuko ang kani-kanilang prangkisa.

Sinabi ni De Luna na may kausap na rin silang financier para sa 24 seater na euro 4 na nagkakahalaga lamang ng P1.3-M.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img