29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Habambuhay na pagkabilanggo sa ‘bank hackers’ lusot na sa senado

- Advertisement -

Lusot na senado ang panukalang patawan ng panghabambuhay na pagkabilanggo ang mangha-hack sa mga computer system ng mga banko, ang mga mag-scheming ng ATM at mga mamemeke ng debit at credit card.

Sa dalawampung (20) senador na pumabor at walang tumutol, inaprubahan ang House Bill 6710 na naglalayong amyendahan ang Access Devices Regulation Act of 1998.

Sa ilalim ng panukala itinuturing na pananabotahe ang mga nabanggit na krimen at hindi pinapayagang makapag piyansa ang sinomang mapapatunayang nagkasala.

Samantala, dahil inaprubahan ng senado ang panukala na nanggaling sa kamara, hindi na ito dadaan pa sa bicameral conference committee.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -