33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Grupo Ng Mga Kabataan, Nagtayo Ng Bahay Para Sa Isang Lola Sa Tukuran, Zamboanga Del Sur

- Advertisement -

Zamboanga del Sur –  Nagpagawa ng bahay ang grupo ng kabataan  para sa isang lola sa Tukuran, Zamboanga del Sur. Sa pamamagitan ng kanilang programang isinagawa, ang ‘Bike for A cause’ na tinawag ring Lolabike, nakalikom ang grupo ng kaunting halaga na sya ring ginamit upang makabili ng mga  materyales pampagawa ng munting bahay.

Sa pangunguna ng JJC Tukuran Dasig, 62nd Air Force Group Reserve at iba pang mga establisyemento at personalidad, matagumpay na naisagawa ang isang Bike for a Cause Activity.

Si Lola Ellen Paglinawan, isang lola na mag-isang kumakayod para matustusan ang pangangailanhan ng sarili ang napiling maging benepisyaryo ng adhikain.  Gawa lamang sa pinagtagpi-tagpi na sako at cellophane ang bahay ni lola Ellen na nagsisilbing panangga lang niya laban sa init at ulan.

Matapos ang naturang programa agad na sinimulan ng grupo ang pagtatayo sa bahay ni Lola Ellen. Sipag at tyaga ang naging puhunan ng bawat tao na tumulong upang maitayo ito.

Sabi pa ng grupo na, “ang programang ito ay akma sa panahon, lalo na at ipinagdiriwang natin ang buwan ng kababaihan, na mismong si Nanay Ellen ay isa sa mga nagpapakita ng totoong katangian ng isang tunay na babae na nagsisikap upang mabuhay. (Diocsil Sanico, RPN DXKP Pagadian OIC)

(Source: Jhonryl Parila, photo courtesy of JJC Tukuran)
- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -