Pinagbawalan na ngang gumamit ng plastic at styrofoam ang mga grocery stores sa Lungsod ng Baguio ayon sa inilabas na implementasyon ni Mayor Benjamin Magalong, ang City Ordinance 35-2017 o ang Plastic and Styrofoam-Free Baguio Ordinance simula ngayong araw, Mayo 15, 2024.
Sa ilalim ng ordinansa, ang mga establisyamento ay hinihikayat na gumamit na lamang ng paper bag o mga sisidlang yari sa biodegradable materials sa halip na gumamit ng plastic o styro. Gayundin ay hinimok ang mga mamimili na kani-kanilang sariling sisidlan sa tuwing mamimili. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)
(Source: PIO Baguio)
