Gobyerno ng Taiwan gaganti sa ipinatupad na travel ban ng Pilipinas — MECO

    0
    26

    Naghahanda na ang gobyerno ng Taiwan na gantihan ang Pilipinas kasunod ng ipinatupad nitong travel ban.

    Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Lito Banayo, nagpatawag ng special cabinet meeting si Taiwan President Tsai Ing – Wen para talakayin ang ipinatupad na temporary travel ban ng Pilipinas.

    Bagama’t wala pang pinal na desisyon ang gobyerno ng Taiwan posible naman aniyang maging ganti nito ay ang hindi na i-renew pa ang mga Pilipinong manggagawa o kaya naman ay bawasan ang Filipino workforce doon.

    Sinabi pa ni Banayo na lubos na ikinagalit ng Taiwan ang travel ban dahil sa paniwala na bunga ito ng one China policy at nabahiran pa ng usaping politikal ang isyung pangkalusugan.

    Una nang isinama sa temporary travel ban ang Taiwan panganib ng corona virus disease (COVID-19).