28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

GMA tiniyak na isusulong ang legislative agenda ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Tiniyak ni dating Pangulo at ngayo’y bagong House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na kanyang isusulong ang legislative agenda ng administrasyong Duterte.

Ito ay matapos siyang mahalal na bagong lider ng Mababang Kapulungan at pinalitan si dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Kasabay nito, nagpasalamat si Arroyo sa mga kapwa niya mambabatas na sumuporta sa kanya para maging bagong speaker.

Matatandaang sa dalawandaan at tatlumpu’t walong (238) miyembro ng kamara na present sa special session, isandaan at walumpu’t apat (184) ang bumoto para palitan ni Arroyo si Alvarez habang labindalawa (12) ang nag-abstain.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -