Wednesday, May 8, 2024

Gilas Pilipinas, nagdagdag ng manlalaro sa FIBA Asia Cup

- Advertisement -

Nagdagdag pa ng manlalaro ang Gilas Pilipinas para sa pagsabak sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifier sa February 20 kung kailan makakasagupa nila ang tropa ng Thailand.

Magiging bahagi na rin ng pool sina sina Vic Manuel at Abu Tratter ng Alaska Aces.

Si Manuel ay naging bahagi na ng SEA Games kung saan naging coach si Tim Cone noong nakaraang taon habang si Tratter ay nakasama na rin sa Gilas sa second window ng FIBA World Cup Qualifiers noong 2018.

Pinalitan nina Manuel at Tratter sina Christian Standhardinger at Mac Belo na una nang umatras dahil sa kanilang injury.

Una na ring kinuha ng Gilas si Phoenix player Justin Chua kapalit ni Japeth Aguilar na nasa honeymoon pa.

Sina Manuel, Tratter at Chua ay dagdag na puwersa kina Po Erram, Isaac Go, Marc Pingris at Troy Rosario.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img