South Cotabato – Arestado ang 37-taong gulang na lalaki na tulak ng ilegal na droga matapos magpositibo sa ikinasang anti-drug operation ng Surallah PNP sa Zone I, Brgy Libertad, Surallah, South Cotabato nito kagabihan ng Mayo 3, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joel Marfil Fuerte, Hepe ng Surallah Municipal Police
Station, ang suspek na si alyas “INDAY” na residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PLtCol Fuerte, dakong alas-9 ng gabi ng isinigawa ng mga tauhan ng Surallah MPS ang operasyon na humantong sa pagkakadakip ng suspek at pagkakasamsam ng nasa 6.3 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na Php42,840.
Nakuha pa sa suspek ang isang piraso ng Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money at iba pang non-drug item. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Patuloy naman ang buong hanay ng PRO 12 sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director, PBGen Jimili L Macaraeg, sa pagpapaigting at pagpapahusay ng kanilang mga hakbangin upang sugpuin ang problema sa ilegal na droga sa rehiyong dose.
Source: PCADG Region 12
