29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

General Santos: Tanggal trabaho 330 job orders di na ire-renew sa 2022

- Advertisement -

GENERAL SANTOS CITY – Aabutin pa ng lima hanggang walong taon bago umano tuluyang makabangon ang  lungsod sa epekto ng Covid-19 pandemic.

Sa pagtalakay ng Sangguniang Panlungsod para sa 2022 proposed P3.320-billion annual budget, inihayag ni City Budget Officer John Philip Quimosing, na nagkaroon nang malaking pagbaba sa kita at koleksyon ng mga local sources, katulad ng Bulaong Terminal at Central Public Market dahil sa Covid-19 pandemic.

Dahil dito, umaabot sa P17,074,239 ang kabuuang subsidiya ng LGU sa  naturang mga local economic enterprises para sa pagpapatuloy ng kani-kanilang operasyon.

Base sa Inter-Special Account, umaabot sa P8,412,266 ang abono ng city government para sa operasyon ng merkado; P6,381,071 para sa slaughterhouse at P2,280,942 para sa operasyon ng terminal.

“The local sources decreased considerably because of the pandemic.. Aabutin pa tayo ng 5-8 years bago tayo makabalik sa 2019 level, nag-setback talaga tayo dahil sa pandemiya,” ani Quimosing.

Kaugnay din nito, inihayag ng budget official na nasa 330 job orders sa ilalim ng “General Fund” ang nangangambang hindi na ma-renew ang kanilang kontrata sa susunod na taon.

“For General Fund, para sa Year 2021 mayroon tayong 2,486 (JOs), sa Year 2022, mayroong 2,156 na lamang.  So, in some (enterprises) may increase, in some may decrease sa total number of estimated number of job orders that we will be hiring.”

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -