General Santos: Substitution Sa Magic 12 Slate Ng AIM, Inaayos Na

0
311

General Santos City – Pinaghahandaan na umano ng local political party na Achievement with Integrity Movement (AIM) ang posibleng “substitution” na mangyayari sa kanilang lineup sa 2022 city elections.

Kabilang sa inaasahang pagbabago sa Magic 12 slate ay ang pagpasok ni City Social Welfare and Development Office Rebecca “Becky” Magante bilang kapalit ni Bebe-i Gonzales.

Dagdag pa ng source, hinihintay lamang ng partido ang opisyal na pagretiro ni Magante sa government service.

“Ang original na plano ng partido talaga, temporary mag-file si Gonzales while wala pa ka-retire si Mam Becky,” ayon sa impormasyon.

Batay sa panuntunan ng Commission on Elections, pinapayagan ang subsitution ng mga kandidato hanggang November 15.

Bago lamang, ginawaran ng Gawad Parangal Retirement Service Award ng city government si Magante, matapos ang 10 taong public service.

Leave a Reply