Tuesday, April 30, 2024

Eroplano sa Catanduanes nag-emergency landing dahil sa nylon na pumulupot mula sa saranggola

- Advertisement -

Napilitang mag emergency landing ang isang eroplano sa Virac airport sa Catanduanes matapos na magkabuhol-buhol sa pakpak nito ang mahabang string ng nylon mula sa pinapalipad na saranggola.

Sa impormasyon mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), maswerte namang hindi napunta sa elesi ang nylon string pero nagkaroon pa rin ng emergency landing dahil sa insidente.

Kaugnay nito, nagpaalala ang CAAP na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng saranggola malapit sa paliparan.

Nakasaad din sa lokal na ordinansa na pwedeng patawan ng may parusang multa ang sinumang magpapalipad ng saranggola sa loob ng five-kilometer radius ng Virac Airport.

(Source: CAAP)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img