Enrollment sa mga public schools hanggang ngayong Miyerkules nalang —DepEd

    0
    17

    Hanggang ngayong araw na lamang ang enrollment ng mga estudyate sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

    Ito ay para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto.

    Ayon sa Department of Education (DepEd), maaaring makapag-enroll ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng text message, phone call, social media, at maging mga designated na drop boxes sa mga paaralan o barangay halls.

    Samantala, batay naman sa pinakahuling datos ng DepEd, ang enrollment sa mga pampublikong paaralan ay kumakatawan sa 83.4% noong nakaraang taon habang ang enrollment naman sa mga pribadong paaralan ay nasa 23.6% lamang.

    Inaasahan naman ng mga opisyal ng DepEd na bababa ang enrollment sa halos 20% o katumbas ng 6-milyon dahil sa epekto sa ekonomiya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.