28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Eleazar may babala sa mga militanteng di susunod sa security arrangements

- Advertisement -

Binalaan ni PNP-National Capital Region Police Office Chief Guillermo Eleazar ang mga raliyista na hindi susunod sa kanilang napagkasunduang security arrangements para sa State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Eleazar, bagamat nakahanda sila sa kung ano ang puwedeng mangyari, hindi makakabuti para sa mga raliyista ang hindi sumunod sa kanilang kasunduan.

Sinabi ni Eleazar na mapipilitan silang buwagin ang mga rally kung lilihis sila sa nakalatag na seguridad sa paligid ng Batasang Pambansa.

Batay sa kasunduan, limitado sa northbound lane ng Commonwealth Avenue mula sa Home Depot hanggang sa St. Peter Parish.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -