EDCA, MDT walang saysay matapos makansela ng VFA — DOJ

EDCA, MDT walang saysay matapos makansela ng VFA — DOJ

by Powered by DWIZ
46 views

Wala nang saysay ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Mutual Defense Treaty (MDT).

Ito ang ginawang paglilinaw ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, kasunod ng naging pahayag ng Malakanyang na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura rin ang EDCA at MDT.

Ayon kay Guevarra, wala na itong saysay simula nang ibinasura ng pamahalaan ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Aniya, ito rin ang dahilan kung bakit hindi na siya nag bigay ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte gayung wala narin naman itong silbi.

Gayunman, sinabi naman ni Guevarra na wala pang pormal na direktiba mula sa Pangulo kung kailangan pang repasuhin ng DOJ ang EDCA at MDT.

Samantala, iginiit rin nito na kakayanin ng Pilipinas na walang VFA anomang tulong sa militar mula sa Estados Unidos.

0 comment

Related Posts