Duterte pinarangalan ang sundalong nasawi sa engkwentro kontra NPA

0
48

Pinarangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang sundalo na nasawi sa engkwentro sa pagitan ng military at New People’s Army (NPA) sa Samar noong Agosto 23.

Sa personal na pagbisita ng Pangulo sa burol ni 2nd Lt. Geror Jade Nicor sa libingan ng mga bayani sa Taguig City, kanya itong ginawaran ng Order of Lapu-Lapu rank of Kalasag.

Ang Order of Lapu-Lapu ay ibinibigay sa mga kawani mula sa pamahalaan o pribadong sektor na nagpakita ng extraordinary service o hindi matatawarang kontribusyon para sa matagumpay na pagpapatupad ng isinusulong na programa ng Pangulo.

Kasabay nito, binisita rin ni Pangulong Duterte ang tomb of the fallen heroes sa libingan ng mga bayani at nagsindi ng kandila matapos namang hindi dumalo sa pagdiriwang ng National Heroe’s Day.