Duterte inimbitahan sa isang pulong si MVP —Go

0
23

Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pulong ang negosyanteng si Manny V. Pangilinan.

Ito ang inihayag ni Senador Christopher “Bong” Go matapos magkita ang pangulo at si MVP sa inspeksyon at project presentation ng NLEX Harbor Link C3-R10 section sa Caloocan city, kahapon, ika-5 ng Marso.

Kasabay nito, dinepensahan din ni Go ang pangulo matapos hindi nito mabanggit ang pangalan ng negosyante sa pagbati nito bilang bahagi ng kaniyang panimulang talumpati.

Ani Go, hindi iyon sinasadya ng pangulo at sa katunayan pa umano ay binati nito si Pangilinan at nakipagkamay.

Magugunitang isa sa mga binabanatang negosyante ng pangulo si Pangilinan dahil sa kwestiyonableng kontrata sa pagitan ng gobyerno at ng Maynilad bilang water concessionaire.