Duterte inimbitahan ang Hari, Prinsipe ng Saudi Arabia na bumisita sa Pilipinas

0
11

Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Saudi Arabia King Salman Bin Abdulaziz Al Saud at Crown Prince Mohammad Bin Salman Abdulaziz Al Saud na bumisita sa Pilipinas.

Ipinaabot ng Pangulo ang imbitasyon sa pamamagitan ni chief of presidential protocol and presidential assistant on foreign affairs Robert Borje.

Ito ay matapos mag-coutesy call at makipagpulong ni Usec. Borje kay Saudi Arabia Foreign Minister Prince Faisal Bin Farhan Al Saud sa nabanggit na bansa, kamakailan.

Sa nabanggit ding pulong, nagpaabot ng pasasalamat ang Pangulo sa Hari at Prinsipe ng Saudi Arabia dahil sa patuloy na ibinibigay na proteksyon ng kanilang pamahalaan sa mga Filipinong manggagawang nagtatrabaho doon.

Sa ngayon, wala pang impormasyon kung may kasagutan na ang mga matataas na opisyal ng Saudi Arabia sa naging imbitasyon ni Pangulong Duterte.