DTI puntirya ngayon ang mga ilegal na online barter trade

    0
    18

    Pupuntiryahin ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga indibidwal na nasa likod ng ilegal na online barter trade.

    Ang barter trade ay ang direktang pakikipagpalit ng pagkain at serbisyo kapalit ng iba pang goods and services nang hindi gumamit ng cash o pera.

    Nilinaw ni DTI Secretary Ramon Lopez na bagaman pinapayagan ang barter trade sa ilang bahagi ng Mindanao, gaya ng Sulu at Tawi-Tawi, ay mananatili umano itong ilegal sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

    Aniya, hindi ito pinapayagan kung gagawin itong business gayung wala naman itong bayad sa tax.

    Dahil dito, hinihikayat ng kalihim ang publiko na huwag bumili sa mga hindi rehistradong nagbebenta online gaya nang sa Facebook at Instagram.