28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

DPWH muling magsasagawa ng road re-blocking

- Advertisement -

Muling magsasagawa ng road re-blocking at repair works ang DPWH sa ibat ibang lansangan sa Metro Manila kabilang na ang EDSA ngayong weekend.

Ayon sa DPWH, nagsimula na 11:00 kagabi ang road repairs at tatagal ito hanggang 5:00 ng madaling araw ng Lunes, July 16.

Kabilang sa mga apektado ng road re-blocking sa EDSA Southbound: Arayat St. hangggang Ignacio Diaz, 4th lane mula sa Sidewalk Timog Avenue hanggang Kamuning Road, Second lane mula sa sidewalk at harap ng Francesca Tower hanggang lampas ng Scout Borromeo, 3rd lane mula sa center island.

Sa EDSA northbound apektado ang Vertis North hanggang Trinoma Mall, 2nd lane mula sa sidewalk.

Apektado rin ang Northbound directions ng Batasan Road mula sa Commonwealth Avenue hanggang Kalinisan St., first lane H. Lacson Avenue malapit sa Aragon St. Congressional Avenue bago mag Jupiter St. first lane at Fairveiw Avenue mula Mindanao Avenue Extension hanggang Jordan Plains Subdivision, third lane.

Pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na iwasan ang mga naturang kalsada ngayong weekend dahil inaasahang magdudulot ng build up sa daloy ng trapiko ang road repairs.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -