DOT naglabas na ng staycations guidelines

0
35

Inilabas na ng Department of Tourism (DOT) ang guidelines para sa staycations.

Batay sa inilabas na guidelines, nakasaad dito na kailangan makapagpakita ang bawat bisita ng negative antigen rapid test result na kinuha sa parehong araw ng kanilang pag check-in.

Magiging mandatory na rin ang contactless o cashless payments.

Kailangan din umanong makapagpresinta ang mga hotel ng Certificate of Authority to operate at sumunod sa lahat ng health guidelines ng kanilang Local Govern0ment Units, Department Of Health (DOH) at DOT.

Ipapatupad na rin ang mandatory na pagsusumite ng talaan ng mga bisita kada ika-10 araw ng buwan sa kanilang regional DOT office o dikaya’y sa lokal na tanggapan ng DOT.

Nilinaw din ng DOT na maaari nang makapag-operate at gamitin ang mga gym, swimming pool, restaurant, at iba pang food and beverage outlets sa mga hotel maliban na lamang sa mga bar.