Saturday, May 18, 2024

DFA ibinunyag na dumarami ang mga Pinoy na pumupuslit papasok ng Iraq

- Advertisement -

Ibinunyag ng Department of Foreign Affairs o DFA na dumarami ang bilang ng mga Filipino workers na pumupuslit papasok ng Iraq mula Dubai.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Elmer Cato, ini-ulat ng Philippine Embassy sa Baghdad na nitong nakaraang linggo lamang ay nakapagtala sila ng siyam na Pinay na iligal na pumasok sa Iraq makaraang dumaan sa Kurdistan region.

Ilan naman umano sa mga ito ay nabiktima pa ng sexual harassment habang bumibiyahe patungong Baghdad at Basra.

Sinasabing karamihan sa mga biktima ay nakukuha ng mga illegal recruiters sa social media at pinangangakuan ng trabaho sa Dubai.

Naniningil din umano ang mga recruiter ng malaking halaga kapalit ng return ticket pauwi ng bansa kapag na-expire na ang kanilang tourism visa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -