28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

DepEd Iriga napiling maging host ng RSPC ngayong taon

- Advertisement -

Nakatakdang ganapin sa Lungsod ng Iriga ang Regional Secondary Schools Press Conference (RSPC) 2024 sa darating na Mayo 8 hanggang 11, 2024.

Kinumpirma ni Dr. Mariano De Guzman, Schools Division Superintendent ng Department of Education Iriga City Division na ang DepEd Iriga ang napiling maging host ng RSPC ngayong taon.

Sinabi ni De Guzman na gagawing main venue ang Iriga Central School sa San Nicolas Iriga City. Ang ibang paaralan naman sa lungsod ang magsisilbing venue ng ibang patimpalak.

Kaugnay nito, naghahanda na rin ang SDO Iriga para sa mga paaralang tutuluyan ng mga kalahok sa apat na araw na event.

Ang RSPC ay isang kompetisyon para sa mga mag-aaral na may angking talento at galing sa News Writing, Sports Writing, Editorial Writing, Copy reading and Headline Writing, Photojournalism, Science and Technology Writing, Column Writing for Individual Contest Category, at Editorial Cartooning.

Kabilang din sa nasabing kompetisyon ang group category na Radio Script Writing and Broadcasting, Collaborative Desktop Publishing, Online Publishing Contest para sa secondary level, at TV Script Writing and Broadcasting para rin sa secondary level.

Layunin nitong payabungin ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unawa sa kahalagahan ng pamamahayag sa pamamagitan ng paggamit ng mga talento at kasanayan sa iba’t ibang larangan o kategorya sa campus journalism.

(Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -