Davao: Suspek nanaksak ng dalawang kasama sa inuman

0
130

Huli ang suspek sa pananaksak sa dalawang niyang kainuman sa Purok 1-A, Brgy. San Isidro Carmen, Davao del Norte, Mayo 12, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon pa sa mga kapitbahay ng suspek, nagwala ito matapos nakainom sa pista sa kanilang barangay. Kinilala ang mga biktima na sina lester Doloroso Hiponia, 29 taong gulang, magsasaka, nakatira sa Sitio Bugtong Talisay, Purok 1, Brgy Dujale, B.E. Dujale Davao del Norte. At Isagani Egay Menchete, 27 taong gulang, nakatira sa Purok 1-A, Brgy San Isidro, Carmen, Davao del Norte na nasa Regional Medical Center, Tagum City.

Sa imbestigasyon, alas 12:10 ng umaga nitong Mayo 21, nag inuman ang suspek at dalawa nitong biktima dahil sa selebrasyon ng pista sa bahay ni Machete, ngunit nagwala na ang suspek na si Garry Daulo Gleyo.

Pinigilan ang suspek sa pagwawala nito ngunit sinaksak niya ang kaniyang dalawang kasama at tumakas. Ngunit sa tulong ng mga residente nahuli ang suspek at nasa kamay na ngayon ng mga kapulisan.

(Source: DNPPO Press Corps Facebook page)

Leave a Reply