Saturday, May 4, 2024

Davao: Solar Lights Ikinabit Sa Mga Liblib Na Lugar Ng Davao Del Norte

- Advertisement -

Davao del Norte – Kinabitan na ng mga solar lights ang mga liblib na mga lugar sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte.

Ang nasabing mga solar lights inilagay sa anim na mga daanan sa may Sitio Kamingawan ng Talaingod na ikinabit ng Revitalized-Pulis Sa Barangay (RPSB) Palma Gil sa pamamagitan ng ayuda mula sa Officer’s Ladies Club.

Ang nasabing inisyatiba ay pinuri ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa kadahilanan na nagpapatunay ito na handing tumugon ang pulisya sa mga pangangailangan ng isang komunidad.

Hinikayat din nito ang iba na sundin ang nasabing inisyatiba upang marami pang komunidad ang matulungan. Ang nasabing hakbang ay sumisiguro na malayo sa kapahamakan ang mga residente ng nasabing lugar at maging maliwanag na sa gabi ang kanilang daraanan.

(Source: Davao del Norte Police Provincial Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img