Davao: Lalaki natabunan ng lupa, patay

0
0

Agad na rumesponde ang mga rescuer ng MDRRMO GovGen, PNP at BFP personnel sa ulat na may isang lalaking natabunan ng lupa sa “treasure trove” nang ito ay may natuklasang kayamanan sa Purok 7, Tubing, Brgy. Poblacion, Gov. Generoso, Davao Oriental bandang 10:00 kaninang umaga, Setyembre 19, 2022.

Batay sa ulat ng MDRRMO GovGen, kinilala ang biktima na si Romeo Delcampo Jr., residente ng Nangan, GovGen.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng Buhay.

Sinusiri ng awtoridad ang nangyari at kung bakit merong nagmimina sa naturang lugar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here