28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Davao: Lalaki, Arestado Matapos Makuhanan Ng Baril Sa Checkpoint Sa Davao City

- Advertisement -

Davao City- Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng baril ng Task Force Davao at Bunawan Police Station checkpoint sa Brgy. Lasang, Davao City kahapon ng umaga, Nobyembre 22, 2021.

Kinilala ni Captain John Louie Dema-ala, Public Information Officer sa Task Force Davao ang suspek na si Peter Cruiz Montañez, 37 taong gulang at residente ng Adlay, Carrascal, Surigao del Sur.

Ayon kay Capt. Dema-ala, mula sa Surigao City ang suspek sakay ng Toyota Fortuner patungong Davao City. Pagdating sa inspection area, na-recover sa kanya ang isang .45 caliber pistol at isang magasin na may pitong (7) pirasong bala.

Walang maipakitang legal na dokumento ang suspek dahilan na inaresto ito at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

(Source: Task Force Davao)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -