Arestado ang iilan sa mga indibidwal na naaktohang gumagamit ng illegal na droga sa ginawang operasyon sa mga personahe ng Drug Enforcement Units sa Davao del Sur Provincial Office, Bansalan Municipal Police Station at iba pang mga law enforcement unut sa P-2, Brgy. Mabuhay, Bansalan, Davao del Sur, kahapon ng hapon, Agosto 11, 2022.
Kinilala ang mga suspek na sina Felimon Aviola Llorando alyas “Mon”, 46 taong gulang, isang magsasaka. Kasama si Romeo Pedrajas Pantonial alyas “Meo”, 51 taong gulang, laborer. Rudy Limjoco Pedrales alyas “Rudy”, 56 taong gulang, self-employed. Rolando Dodoso Hocamis alyas “Jun”, 38 taong gulang, walang trabaho at residente sa P-2, Brgy. Mabuhay, Bansalan, Davao del Sur.
Nakuha sa mga suspek ang mga iba’t-ibang pakete ng illegal na droga, isang aluminum foil na may residue sa shabu, isang ₱ 1000, pitong mga improvised aluminum foil totter, isang aluminum foil strip, isang glass totter, tatlong disposable lighters, pitong aluminum foil needle, gunting, surrgical stainless clip, isang eye glass case, isang cellphone at salapi na nagkakahalagang ₱ 10,340.00.
Tumatansyang tumitimbang sa 12 gramo at may halagang One Hundred Eighty Thousand pesos (₱ 180,000.00) habang ang Dangerous Drug board value nito ay umaabot sa (₱ 81,600.00).
Nasa kustodiya na ngayon ng Bansalan MPS ang mga suspek upang sa disposisyon at pagharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
(Source: Bansalan Municipal Police Station)