31.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Davao: Diarrhea outbreak sa Davao city umabot na sa 231 ang apektado habang 3 patay

- Advertisement -

Umabot na sa 231 na mga indibidwal ang apektado sa diarrhea outbreak sa Davao City habang 3 ang naitalang patay.

Ayou kay Davao City Health Dr. Ashley Lopez, 58 sa mga apektado ay gumaling na at nasa 170 na lamang na mga pasyente ang nananatiling may active case.

Habang tatlo sa mga ito ay namatay, Una ang 10 taong gulang na bata, pangalawa ang 67 taong na lalaki at ang isang guro.

Tuloy pa din ang imbestigasyon sa naging dahilan ng diarrhea outbreak kung saan tinitingnan ng City Health Office ang mga posibilidad ng mixed infection na galing sa pagkain at tubig.

Nagsagawa din ang CHO ng joint sampling sa mga tubo ng tubig na nakatakdang i-submit sa Research Institute for Tropical Medicine sa Manila para sa confirmatory test.

Ang imbestigasyon ay ginawa ng Davao City Water District, City Health Office at sa thrid-party na grupo galing sa Department of Health Central Office Epidemiological Bureau.

(Source: City Health Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -