32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Dating miyembro ng Abu Sayyaf arestado sa Cebu

- Advertisement -

Inaresto ang isang lalaki na umano’y dating miyembro ng Abu Sayyaf sa Carcar, Cebu.

Ang suspek na si Oger Roma Pelino, animnapu’t walong taong gulang, residente ng barangay Ocania ay inaresto sa bisa ng warrant na inisyu ng korte.

Nakumpiska ng mga awtoridad kay Pelino ang iba’t ibang uri ng armas tulad ng caliber .45 pistol, 38 revolver, granada, explosives device, Quran, mga dokumento at cellphone.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms laban kay Pelino.

—-

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -