Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nagbakasyon sa Iceland

0
20

Nagkaroon ng quality time ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kanilang 10 araw na byahe sa Iceland.

Makikita ang dalawang naliligo sa sikat na blue lagoon habang ang isa pang larawan ay makikitang hinalikan ni Kath si Daniel sa pisngi habang nanonood ng northern lights o aurora borealis.

Enjoy sina Kath at Daniel sa kanilang unang biyahe sa ibang bansa na sila lamang dalawa.

Pinili ng dalawa na magbakasyon bago maging busy sa pagsisimula ng kanilang bagong teleserye.