Dagdag-presyo sa produktong petrolyo muling nakaamba sa susunod na Linggo

0
46

Nakaamba na namang tumaas muli ang presyo ng gasolina at kerosene sa susunod na Linggo.

Ayon sa source mula sa mga taga-industriya, posibleng pumalo mula P0.15 hanggang P0.25 kada litro ang magiging dagdag-presyo sa gasolina habang P0.40 hanggang P0.50 kada litro sa gas.

Wala namang inaasahang dagdag-presyo sa halaga ng diesel.

Ang oil price hike ay sinasabing dulot ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.