28.1 C
Manila
Monday, March 4, 2024

CPP Founder Joma Sison kinastigo ang SONA ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Kinastigo ni CPP Founder Jose Maria Sison ang SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sison, hindi ipinakita ng pangulo ang tunay na lagay ng bayan at wala rin aniyang ipinakitang pagsisisi si Duterte sa mga pangako niya noong kampanya na hindi niya natupad.

Hindi rin aniya binanggit ng pangulo sa SONA ang Proclamation 360 na nagbabasura sa usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa National Democratic Front of the Philippines.

Sinabi ni Sison na ayaw ng pangulo na tugunan ang rebelyon sa pamamagitan ng reporma para sa kapayapaan.

Kinuwestyon din ni Sison ang katapatan ng pangulo sa pakikiramay sa mga naapektuhan ng giyera sa Marawi City na aniya’y ginagamit nitong pagkakataon para ideklara ang batas militar sa Mindanao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -