COVID-19 cases sa Navotas nadagdagan pa ng 93

    0
    14

    Nakapagtala ng highest single day o pinakamataas na karagdagang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isang araw ang lungsod ng Navotas.

    Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, naitala ng lungsod kahapon, July 14 ang 93 na mga bagong kaso ng COVID-19.

    Dahil dito, umabot na sa kabuuang 1,074 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng nakamamatay na virus sa lungsod.

    661 naman ang itinuturing na mga active cases, 344 na mga COVID-patient naman ang tukuyan nang nakarekober sa virus.

    Sa kaparehong bulletin, naitala rin ang 5 panibagong nasawi dahil sa virus, kaya’t pumalo na sa 69 ang bilang ng COVID-19 death related sa lungsod ng Navotas.