Sunday, May 5, 2024

COVID-19 cases sa buong mundo patuloy ang pagtaas

- Advertisement -

Sumampa na sa higit 30 milyon ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Batay sa tala ng Reuters, nasa kabuuang 30.27 million na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan nasa 945,000 na ang mga nasawi.

Habang nasa 22,327,232 naman ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19.

Sa ngayon, Estados Unidos pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na mayroon ng 6,694,000 na kaso at sinundan naman ng India, Brazil at Russia.

Samantala, naitala naman sa Pilipinas ang nasa 279,526 na ang kabuuang kaso ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img