COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa 57,545 — DOH

    0
    10

    Patuloy na nadadagdagan ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

    Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 634 pa ang nadagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa na ngayo’y pumapalo na sa kabuuang 57,545.

    Nasa 35,483 ang aktibong kaso ng COVID-19.

    Sa mga nadagdag na kaso 302 ang fresh cases at 332 ang late cases.

    Anim ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 na ngayo’y nasa 1,60  na.

    Umakyat na sa 20,459 ang total recoveries matapos madagdag ang 88 mga bagong nakarekober sa nasabing sakit.