Congressman Marquez Go ng Baguio City nangako na tutulong siya pagkompleto ng gusali ng Philippine Information Agency-Cordillera Regional Office

0
8
(Photo courtesy of PIA Cordillera)

Sinabi ito ni Congressman Go sa kanyang pagbisita sa Regional Office ng PIA –CAR sa DPS Compound, Lungsod ng Baguio. Kasama ng naturang kongresista ang mga opisyal at tauhan ng Technical Baguio City District Engineering Office sa ginawang pagbisita. Inenspeksyon din nila ang iba’t ibang opisina at pasilidad ng naturang gusali upang tingnan kung ano pa ang kailangan upang makompleto ang PIA-CAR Regional Office, na kung saan matatagpuan ang Baguio City at Benguet Provincial Information Center. Kanila din tiningnan ang hindi pa natatapos na paradahan sa basement ng gusali, ang ikatlong palapag na magsisilbi bilang Training Center at Media Production Area, ang dormitory sa ikaapat na palapag at ng iba pang nangangailangan ng finishing.

Si PIA-CAR Regional Head Helen Tibaldo at ang staff nito ay nagbigay ng tagubilin sa kalagayan ng naturang gusali. Samantala, nangako si Congressman Go na kanya itong poponduhan upang maipatupad ang pagkakompleto sa gusali sa pamamagitan ng Baguio City District Engineering Office. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIA Cordillera)

Leave a Reply