Class Suit isasampa ng Hatchback Community VS. LTFRB

0
51

Nakatakdang sampahan ng class suit ng grupong lawyers for commuter safety and protection ang LTFRB o Land Transporation And Franchising Regulatory Board sa bukas, June 21.

Ito ay matapost tanggalin ng LTFRB ang mga Hatchback na sasakyan sa listahan ng TNVS o Transport Network Vehicle Service providers.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, Presidente ng Lawyers for Commuter Safety and Protection, layun nilang igiit sa LTFRB ang pagpapatupad ng Memorandum Circular 20118 – 005 kung saan may nakasaad na transition period mula 2018 hanggang 2021.

Paliwanag ni Inton, naging epektibo ang Memorandum Circular noong February 28, 2018 at may transition period na 3 taon kaya’t maaari pa ring gawing TNVS ang mga Hatchback hanggang February 27, 2021.

Una nang sinabi ni Manila Hatchback Community President Leonardo De Leon Jr, na umaabot sa isang 1,225 mga Hatchback Vehicles dineactivate ng LTFRB bilang mga TNVS.