Thursday, May 2, 2024

Chopper crash incident ni Gamboa, et al. posibleng may managot —DILG

- Advertisement -

Posibleng may managot sa nangyaring pagbagsak ng chopper sa San Pedro, Laguna, kahapon, ika-5 ng Marso.

Ito ang binigyang diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Año kaugnay ng ikinakasang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring pagbagsak ng sinasakyang chopper nina Philippine National Police (PNP) chief Archie Gamboa at ilan pang heneral.

Ayon kay Gamboa, nakadepende ito sa magiging resulta ng imbestigasyon ng binuong special task force para tutukan ang nangyaring insidente.

Matatandaang una nang napaulat na sumabit sa wire ang chopper dahil maalikabok sa lugar kung saan nag-take off ang naturang chopper.

Kung ano’ng lalabas sa investigation ay talagang may mananagot diyan, at for the mean time, grounded ang ibang choppers ng PNP para wala namang susunod pang ganyang sakuna,” ani Año. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img