29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Byahe ng LRT 1 extended ngayong Valentine’s Day

- Advertisement -

Mas pinalawig pa ang biyahe ng LRT line 1 ngayong araw, Valentine’s Day.

Paliwanag ng pamunuan, ito ay para maserbisyuhan ang mga gagabihin sa pag-uwi ngayong araw.

Batay sa anunsyo ng LRT-1, ang huling tren mula Baclaran ay magtatagal hanggang 11:00 ng gabi mula sa orihinal na oras na 10:00 ng gabi.

Ang huling tren naman mula sa Roosevelt ay pinalawig pa sa 11:15 ng gabi mula sa 10:15 ng gabi kapag normal na araw.

Samantala, pinapaalala naman ng LRT-1 na balik na muli sa normal na schedule ang mga biyahe ng tren bukas, February 15.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -