Buwan ng National Disaster Resilience 2024 umarangkada sa Siudad ng Baguio

0
14
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Umarangkada ang paggunita ng Resiliency Month sa pamamagitan ng pagsasagawa ng motorcade sa siudad ng Baguio. Ito ay sa pangunguna ng Baguio City Disaster Risk Reduction and Management Office o ng CDRRMO sa paggunita sa loob ng isang buwan.

Ang tema sa taong ito ay HANDA PILIPINAS: “Bantayog ng Katatagan at ang Pagbubuklod sa Layuning Kahandaan”, Ito ay kumakatawan sa spiritu ng katatagan at kahandaan. Ito ay humihikayat sa mga mamamayan na magsamasama at maging handa sa anumang hamon ng buhay na dumating sa kanila.

Ang mga sumama sa motorcade ay ang mga sumusunod : Kabalikat Civicom, 21st Air Force Group Reserve, Tactical Operations Group 1, 122nd Naval Combat Squadron Support Reserve, Sunshine Fire Volunteers, Baguio-Benguet Public Information Civic Action Group, 14th Regional Community Defense Group, Philippine Red Cross – Baguio City Chapter, Baguio Disaster Volunteer Management Unit, University of Cordilleras, Baguio City Police Office, Baguio City Fire Station, City Social Welfare and Development Office, HSO-Baguio City Emergency Medical Services, at ang CMO-Public Order and Safety Division. (Jimmy Bernabe & Joel Cervantes)

(Souirce: PIO Baguio)

Leave a Reply