27.5 C
Manila
Saturday, January 29, 2022

Bilang ng nasawi sa baha at landslides sumampa na sa 7

- Advertisement -

Pito na ang patay sa flashfloods at landslides bunsod ng walang tigil na ulan dulot ng habagat o southwest monsoon na pinalakas pa ng mga bagyong Inday at Josie.

Kinilala ng NDRRMC ang mga biktima na sina John Jonard Galleros, 12-anyos; kapatid na si Joseph, 11-anyos ng Agoo, La Union; Rosalia Agapito, anim na taon at kapatid na si Andrew, tatlong taon ng Barbaza, Antique na pawang nabaon sa gumuhong lupa.

Nalunod naman sina lito Lacuna ng Itogon, Benguet at Romel Caalim ng Gattaran, Cagayan at Aileen Sison, 20-anyos ng Mangatarem, Pangasinan matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig.

Samantala, pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga mangingisdang sina Bunso Vergara, 44-anyos; Minandro Caasi, 37-anyos; Ranillo Campana, 32-anyos; Yvin Lopez, 27-anyos at Jerrick Caasi, 22-anyos na pawang residente ng barangay Concordia sa Bolinao, Pangasinan na pumalaot sa dalampasigan ng Ilocos Sur.

—-

 

 

 

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -