Bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 mahigit 600 na

0
21

Umabot na sa mahigit 600 ang nasawi sa Pilipinas dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 24 new fatalities, na naging dahilan kaya’t umakyat na kahapon sa 603 ang death toll sa bansa.

Ngunit sa kabila nito, mas mataas parin ang bilang ng mga gumaling makaraang pumalo sa 40 ang mga pasyenteng nakarekober mula sa nakamamatay na sakit.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang 1,124 ang COVID-19 survivors sa Pilipinas.

Samantala, umakyat naman sa 8,928 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng virus at 156 dito ang mga bagong kaso, habang 7,201 naman ang patuloy paring nilalapatan ng lunas dahil sa naturang sakit.