33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyo at habagat sumampa na sa siyam

- Advertisement -

Sumampa na sa siyam ang kumpirmadong nasawi bunsod ng sunod-sunod na bagyong dumaan sa bansa at epekto ng hanging habagat.

Batay sa pinakabagong ulat mula sa NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council kung saan naitala ang mga casualties sa mga lalawigan ng Rizal, Antique, Mt. Province, Pangasinan, Negros Occidental at Oriental at mga lungsod ng Malabon at Caloocan.

Karamihan ng naging sanhi ng pagkamatay ay pagkalunod.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad, posibleng madagdagan pa ang nasabing bilang dahil patuloy pa rin ang isinasagawang validation ng Department of Health at Department of Interior and Local Government.

Samantala, batay na rin sa tala ng NDRRMC nanatili namang lubog sa baha ang nasa 30 barangay sa Bulacan, 15 barangay sa Nueva Ecija at 74 na barangay sa Pampanga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -