30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Bicol International Airport, Bubuksan Na

- Advertisement -

Bubuksan na ang Bicol International Airport (BIA) sa October 6, araw ng Miyerkules.

Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, sisimulan ang unang domestic day flight sa paliparan sa October 6 subalit wala nang seremonyang isasagawa.

Itinakda naman anya ang unang domestic night flight sa November.

Sinabi ni Salceda na sa kasalukuyan 99 percent na ang completion ng paliparan na matatagpuan sa Barangay Alabo, Daraga, Albay.

Inihayag ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na nadelay ang konstruksyon ng paliparan ng may 11 taon.

Bago anya ang Duterte Administration ay nagkaroon na ng tatlong groundbreaking ceremonies para sa BIA at ngayon ay halos patapos na ito at magiging operational na rin.

(Source: Bicol News | Net 25, photo courtesy of Cong. Joey Salceda)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -