Bentahan ng alak, sigarilyo online ipagbabawal na —DOF

0
15

Ipagbabawal na ng Department of Finance (DOF) ang bentahan ng alak at sigarilyo online.

Sinabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez na nangangamba silang hindi matutukan ang mga bumibili ng alak at sigarilyo.

Ang nasabing hakbang aniya ay para maprotektahan na rin partikular ang mga kabataan na posibleng kabilang sa mga tumatangkilik sa nasabing produkto.

Tiniyak ni Dominguez ang mahigpit na pagbabantay ng DOF sa Lazada at iba pang online shopping site.