Friday, May 17, 2024

Bayanihan Sa Paaralan, Inilunsad Sa Compostela Valley

- Advertisement -

DAVAO CITY –Inilunsad ng gobyerno ng Compostela Valley ang Bayanihan sa Paaralan 2019 sa limang mga malalayong barangay sa probinsya.

Mismong si Governor Jayvee Tyron Uy ang nanguna sa ceremonial Bayanihan, sa Sitio Bongloy, Purok 3, Barangay Pangsabangan, sa bayan ng New Bataan, Biyernes ng umaga, Setyembre 20, 2019.

Inihayag ni Uy sa isang panayam, na inilunsad ang naturang programa upang magkaisa ang bawat sektor sa probinsya para sa kapakanan ng mga kabataan sa malalayong lugar.

Dagdag ng gobernador, nais niyang mabigyan ng oportunidad ang mga kabataan na nakatira sa mga malalayong lugar na makapag-aral lalo na ang mga dating mag-aaral ng Salugpungan Schools.

Ayon kay Uy, nangako ang mga residente ng limang mga barangay na tatapusin nila ang mga gusali sa lalong madaling panahon para agad itong magamit ng mga kabataan.

Bukod sa Sitio Bongloy, kasama rin sa tatayuan ang Barangay Mangayo at Panansalan sa bayan ng Compostela. Purok Danawan, Barangay Manurigao, New Bataan at Sitio Sapanglubog, Baramgay Tibagon, Pantukan.

Nagkakahalaga ng P1. 5 milyon ang bawat gusali na itatayo, at nakalikom ito ng P9 milyon na budget mula sa mga kumpanya sa probinsya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -